Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

Ang Mga Pakulo Ni Pong

Blog EntryAug 6, '08 1:24 AM
for everyone
Naaalala ko pa noong ako'y nasa SG nung isang weekend para dumalo sa mga pa-birthday ng aking mga kaibigan... Paano ko ba naman malilimutan yun, eh yun lang naman din ang weekend na sinimulang okrayin ni Bibi si Demi... Nang makinig siya ng mga mp3 ni Demi...

Bibi: Ano ba naman itong laptop na to... Maganda nga, pangit naman ang sounds... Buti pa tong Acer ko, Dolby Digital Surround...
Baba: Sorry ha... Wala pa akong nakikitang magandang speakers eh...

At walang katapusang okrayan na naman... Keber lang, alam ko namang naiinggit lang si Bibi sa magandang si Demi... At sa kalauna'y mapapalitan rin naman ang laptop niyang yun dahil bibili kami ng bago...

Nasa Tiong Bahru kami noon, hinihintay si Ate Bubbles nang mapadpad kami sa showcase ng mga bagong laptop... At nakakita nga si Bibi ng gusto niyang ipalit sa kanyang lumang Acer Aspire 4520... At ang gusto niyang ipalit?


Heto na... Heto na ang Acer Aspire 6920G... It comes with an Intel Core 2 Duo Penryn T8100, 320GB HDD, 4GB RAM, nVidia GeForce 9500M GS, Blu-Ray reader drive, HDMI port, and a 16:9 aspect ratio display... And to rub it in... It boasts of a 2nd Generation Dolby Home Theater, a CineSurround True 5.1 channel pumping surround sound from the built-in speakers, and a Tuba CineBass booster that deepens music and special effects with the all-new Dolby® Natural Bass technology.

Whew... Ang daming pakulo!

Noong huling weekend ng July ay naglibot ako para maghanap ng speakers... PC Fair rin naman the following weekend, so tama lang na mag-canvas na... At matapos ang pagtingin-tingin... Mukhang ok lang naman ang mga options... Up until I heard something booming...


Yun nga... Yun nga ang Altec Lansing MX5021... It was a humble 3-piece set with 2 satellites (each having one 1" loaded horn tweeter, two 3" full midrange drivers, 20W) and 1 subwoofer (one 6.5" long throw woofer, 50W)... A modest THX certified 2.1 system... And it does come in black or white... Guess what I was high on...

So we got Blue (the Acer Aspire 6920G) and Boom (the Altec Lansing MX5021) last Friday... Pagdating ng bahay, ayun, derecho na agad sa kwarto para i-setup si Blue... At ayan na, pinagmamalaki na ni Bibi ang kanyang entertainment lappie na may 5.1 speaker system... Naglipat na nga agad ng mga mp3 para mapagyabang na... At dahil tulog pa ang housemates kong si Tot at Pot nun, ipinagliban ko muna ang pagsetup kay Boom hanggang sa sila ay makaalis (night shift kasi ang dalawa)...

Nang dumating na ang itinakdang oras... Boom! Nagpatugtog na ako ng mp3 ni Demi at nagwala na nga si Boom... Natulala saglit si Bibi...

Bibi:
Waaaah!!! Gusto ko na yung speakers mo! Sa'yo na lang si Blue, akin na si Demi at Boom!
Baba: Hehe... Walang bawian...

At ang mga sumunod nga'y malulupit na kantyawan...

Bibi:
Di bale, paglumipat ka na sa SG, akin na yan si Boom!

Yun lang, naangkin na agad... Haha!


4 Comments
mamamiapizzamia wrote on Aug 6, '08
ahem! buti naman at inayos ayos mo ang pag-introduce kay Blue... dahil kung nagkataong inokray mo sya, nakow! lagot ka babe. yun lang. lagot ka!

pero cge, dahil nice ka naman sa kanya, ihug na kita...
mmmmmmm...*HUGZ* (tsansing! :-P)

triglyceride7 wrote on Aug 7, '08
Hahahahaaha... This post made me smile today. :D I so want to get one of those new small notebooks.. Acer or HP... Fujitsu made one that looks like it was straight from an '80s Shaider shoot. Wahahaha.. :D
ponggoloids wrote on Aug 8, '08
cheers cho! :-) bili ka na rin... hmmm... mukhang maganda yung Mini-Note ng HP... tamang knapsack porma, malayo-layo rin ang mararating lalo pa't mahilig kang magsulat... ;-)

hindi ko pa nasisilip yung fujitsu... :-P
ponggoloids wrote on Aug 8, '08
lagot ka babe. yun lang. lagot ka!
hihi... wag pu ati... wag pu... :-P
Add a Comment