Mas gusto kong pagmasdan ang buwan sa kanyang kabuuan... Full moon, 'ika nga... Naaalala ko pa noon, high school, kay laki ng buwan noong gabing iyon... Hindi ko alam kung bakit, pero masarap pagmasdan...
Kailangan ko na yata bumili ng telescope...
Well, di naman ako naghangad maging astronaut at wala akong planong lumapag sa buwan... Sadyang may mga bagay na kaaya-aya from afar... Ano nga namang sense ng puntahan pa ang buwan, eh di hindi ko na siya nakita ng buo... Baduy...
Anyway, nagsalang ako ng labada at salamat sa buwan, di ako nadapa... Nakakatuwa, ang liwanag sa labas... Ganda't liwanag ng buwan...
At hahanguin ko na nga ngayon ang aking nilabhan... Pero naisip ko lang, baka tumambay muna ako sa labas... Hindi ko kayang ikahon ang mga bagay-bagay pero sasabihin ko na... Kung ano pang nangyari o mangyayari, napagtanto kong maganda ang gabing ito dahil sa kabuuan at liwanag ng buwan...
Paglipas ng araw, pangarap ko'y ganap
Ako'y iyong nasa isip, ako'y hanap-hanap
Di raw panaginip, sa isang iglap
Magkasama tayo, sa alapaap
Hawak kamay at
Sabay na humahanga sa
Ganda't liwanag ng buwan