Dahil pauwi kami ng Pinas, napag-isipan kong i-uwi na rin ang aking eHD para sa kapatid ko...
At dahil mawawalan ako ng eHD, kailangan kong bumili ng bago... (Yun yon eh... Ganda ng logic no? Talagang may justification ang pagbili...)
At ang binili ko nga ay si Tera... Ang Western Digital My Book Studio Edition... 1 TB na may USB, Firewire 400/800, at eSATA interface... Pre-formatted for Mac (kaya ni-reformat ko pa)... At higit sa lahat... Silver...

Actually, mas mura yung Home Edition... Kaso black siya... At kung kilala niyo ako... Wala nang dapat pag-isipan pa... (Actually, meron din pala, kung matatawaran pa ba o hindi na...) :-)
Nagpabili na rin ako kay pareng Jojo ng A.C. Ryan eSATA ExpressCard para laging quickie si Demi at Tera... ;-)